Itinatag ni Hesus ang hangarin ng Bibliya
Si Nicodemu na isang marangal na Fariseo, lihim na lumapit kay Hesukristo upang matuto tungkol sa ebanghelyo na karamihan sa mga Fariseo ay nag-alsa laban dito. Sa kabila ng hindi pangkaraniwang paglapit ng isang posibleng kritiko . kinuha ni Hesus ang sandal upang maliwanagan si Nicodemus patungkol sa ebanghelyo. Ang pagtatagpo ay maaaring may ibang ibig sabihin kay Nicodemus, ngunit ito ay isang napakagandang oportunidad kay Hesus upang isalba nito ang kaniyang kaluluwang ligaw. Ginugol ng mesia ang sapat na oras kasama si Nicodemus upang talakayin kung ano ang kinakailangan sakniya at sa iba pang tao upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Inulat ng banal na kasulatan ang pagtatagpo ni Nicodemus at ni Hesus.
“May isang lalake nga sa mga Fariseo, na nagngangalang Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio: Ito rin ay naparoon sa kaniya nang gabi, at sa kaniya'y nagsabi, Rabi, nalalaman naming ikaw ay isang guro na nagbuhat sa Dios; sapagka't walang makagagawa ng mga tanda na iyong ginagawa, maliban na kung sumasa kaniya ang Dios.Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios. Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay Espiritu nga.Huwag kang magtaka sa aking sinabi sa iyo, Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli.Humihihip ang hangin kung saan niya ibig, at naririnig mo ang kaniyang ugong, nguni't hindi mo nalalaman kung saan nanggagaling, at kung saan naparoroon: gayon ang bawa't ipinanganak ng Espiritu.”(Juan 3:1-8)
ARAL:
Ginamit ni Hesukristo ang bawat pagkakataon na kailangan niya upang mangaral ng ebanghelyo sa mga makasalanan habang siya ay naririto sa lupa. Sa kabila ng pag-aalinlangan sa kaniyang kaaway, pinanatili ni Hesus ang mabuting kalooban tungo sa mga tao. Hindi siya naging kasuklam-suklam sinoman, ngunit siya ay tumanggap sinumang magpakita ng interes sa kaniyang mensahe. Mula sa kaniyang mapag unawaing puso sa mga Fariseo, sinagot lahat ni Hesus ang katanungan ni Nicodemus. Ang mga tugon nito ay naging taluktok ng pananampalataya ng mga kristiyano. Ito ay nagsilbing imahen ng kaniyang sermon, parirala at sugnay para sa mga naniniwala upang gamitin ito sa mga makasalanan at upang akayin sila sa kaligtasan. Sinabi ni Hesus kay Nicodemus:
1. “Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.”(Juan 3:3)
2. “At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao;”(Juan 3:14)
3. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16)
4. “ Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.” (Juan 3:17)
5.” Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios.” (Juan 3:18)
PANALANGIN:
O Hesukristo, kamangha-manghang panginoon! pinalawak mo ang ebanghelyo para sa lahat ng mga tao upang makinabang. Tiniis moa ng mga pag-uusig, at ipinakita ang iyong pagmamahal sa mga mapanggalit na mga tao. Ikaw ay nagdusa ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso para mailigtas ang buong sanlibutan! Mahal kita Hesukristo! at aking ipinapangako na tumbasan ang iyong pagmamahal sa aking buhay. Samakatuwid, nagpapahayag ako bilang isang anak ng Diyos, at ika’y tinatanggap ko sa aking buhay bilang isa kong panginoon at tagapagligtas. Inaamin ko ang aking mga kasalanan at nagsisisi. Ika’y aking pagsisilbihan buong buhay ko. Ginagamit ko ang pagkakataong ito upang hingin ang iyong basbas upang mangaral ng ebanghelyo at makipagugnayan sa ibang tao hanggang sa isuko nila ang kanilang buhay sa iyo. Sa ngalan mo Hesukristo, Hinihiling ko. Amen.
