Hinahangad ng Diyos ang tunay na pagsisisi
Si Haring David ay nagkasala laban sa Diyos, ngunit napagtanto niya at siya ay nagsisi. Siya ay umiyak sa Diyos at sinabi,
“Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan.Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka.Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu.” (Awit 51:1-12)
ARAL:
Ang Diyos ay maawain at patatawarin niya ang anumang kasalanan na ipinagtapat at magsisi sa kaniya. Totoo, ang Diyos ay galit sa kasalanan, at ipinagdiriwang niya ang sinumang umiwas dito; Subalit, ang lumikha ay hindi babaliwalain ang isang makasalanang nagsisisi. Patatawarin ang isang makasalanang nagsisisi,at bibigyan niya sila ng pantay na mga karapatan sa kanyang kaharian. Subalit, ang isang makasalanang na tumanging magsisi ay magdudusa bunga ng kaniyang gawain sa impyernong apoy. Samakatuwid, ang lahat ng tao ay hinihikayat upang umiwas sa pagkakasala ,upang makatakas sila sa napipintong paghukom ng Diyos na malapit ng dumating sa lahat ng taong di nagsisisi sa kanilang kasalanan.
PRAYER:
O Diyos, inaamin ko na akoy isang makasalanan na hindi karapat-dapat sa anumang espesyal na basbas mula sa iyo. Nakagawa ako ng maraming hindi lubos maisip na mga kasalanan,at hindi ako karapat-dapat sa langit! Subalit, napagtanto ko ang aking mga kasalanan, at lumalapit sa iyo na may kababaang-loob. Ngayon, nagsisisi ako sa aking mga kasalanan , at humihiling na ako ay iyong patawarin. Ikakasaya ko na alisin ang lahat ng mga kahinatnan ng aking kasalanan sa aking buhay; ako’y iyong tanggapin muli bilang isa sa iyong mga anak, at biyayaan ako na huwag ng bumalik sa aking mga kasalanan. Panatilihin akong nakatayo sa mabuting pananalig, at hayaan akong maging karapat-dapat para sa iyong mga pagpapala sa lupa at langit. Pagdating ng paghuhukom, ako’y isama mo sa mga tao na permanenteng maninirahan kasama mo sa langit! Sa ngalan ni Hesukristo aking hinihiling. Amen
