Hesus; Ang Ipinangakong Emmanuel
Inihayag ng Diyos kay Propeta Isaias ang isang permanenteng solusyon sa mga krisis sa mundo. Habang ang mga tao ay walang pakialam tungkol sa batas ng Diyos, inilahad ng propetang si Isaias ang plano ng Diyos at sinabi,
" Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel. " (Isaias 7:14).
Aral:
Si Hesukristo ay ang Emmanuel na isisilang na hinulaan ni Isaias (Isaias 7:14). Totoong naisilang si Kristo, at nagbigay siya ng permanenteng solusyon para sa mga krisis sa mundo. Sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus, nasagot ang lahat ng mga katanungan sa buhay. Ang mga taong tumatawag sa kanyang pangalan at naniniwala na matatanggap ang buhay na walang hanggan. Samakatuwid, ang sinumang maghayag na si Hesu-kristo ang Panginoon at tanggapin siya bilang kanyang personal na Tagapagligtas ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan sa langit.
Panalangin:
Mahal na Diyos, naniniwala ako na si Hesukristo ay iyong nag-iisang Anak na isinugo upang iligtas ang mundo. Sa pamamagitan niya natanggap ko ang kaligtasan at regalong buhay na walang hanggan, sapagkat walang ibang pangalan sa lupa ang maaaring makapagliligtas. Sumusumpa ako ng aking katapatan kay Hesu-kristo, at determinado akong paglingkuran siya sa buong buhay ko – Sa ngalan ni Hesukristo ay hinihiling ko. Amen.
