Ang mga mananampalataya ay dapat hanapin ang Diyos sa pamamagitan ng panalangin
Natagpuan ni Haring David ang kaniyang sarili sa hirap, at siya’y humingi ng tulong sa Diyos.Malaki ang tiwala ng Hari na sasagutin ng Diyos ang kaniyang panalangin at iligtas siya sa kaniyang problema. Ang panalangin ni David ay nakasulat.
“Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man? Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa, na may kalumbayan sa aking puso buong araw? Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios: liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako'y matulog ng tulog na kamatayan;Baka sabihin ng aking kaaway, ako'y nanaig laban sa kaniya; baka ang aking mga kaaway ay mangagalak pagka ako'y nakilos.” (Awit 13:1-4)
ARAL:
Panalangin ang sandata ng mga Kristiyano at Wala ng mas hihigit pa dito. Hinihimok tayo na tumawag sa Diyos at ihayag ang aming kahilingan sa bawat oras. Walang limitasyon ang mga bilang ng kahilingan na dapat natin hingin sa Diyos. Siya ay may sapat na kakayahan upang hawakan ang bawat sitwasyon ng sabay-sabay. At tiyak siya ay tutugon sa mga pangangailangan ng kinayang mga anak. Samakatuwid, ng may pag-unawa na ang mga kristiyano ay hindi ulila at walang kakayahan, ay dapat tayong lumakad patungo sa ating makalangit na ama at humiling ng anumang gusto natin mula sa kaniya. Ang mga tugon ng Diyos sa mga panalingin, hindi limitado sa anumang proteksyon, pagbibigay at pagtaas ng ranggo mo sa Diyos.
PANALANGIN:
O Diyos, Aking naiintindihan na ikaw ay ang Hari ng sanlibutan; nasa sayo na ang lahat, at walang mahirap gawin sa iyo. Sa gayon, inaanyayahan ko ang iyong presensiya sa aking sitwasyon, at humihingi ako ng tulong. Mangyaring supilin ang bawat bundok ng pagsubok na nakapaligid sa akin. Sa klase ng sakit , kahirapan, at lahat ng anyo ng pananalasa. Bigyan mo ako ng tagumpay at kasiyahan. Hayaan akong magsaya at ipagdiwang ang iyong kabutihan sa lupain ng nabubuhay. Sa ngalan ni Hesukristo, hinihiling ko. Amen.
