Ang Diyos ay hindi iisang bahagi lamang
Sinuri ni Haring David ang kaniyang nakaraan at napagtanto na ang Diyos ay ginawa siyang matagumpay ng walang anumang makabuluhang bagay o karanasan. Naiintindihan ng hari na siya ay hindi ipinanganak na mayaman; ni siya ay nagkaroon ng ni anumang pambihirang katangian. Gayunpaman, hinirang siya ng Diyos ng kadakilaan sapagkat inalay niya ang kaniyang buhay upang patayin si Goliath at ipagtanggol ang kanyang bansa (at upang itaguyod din ang pangalan ng Diyos.) Ang may likha ay ginawang tagapag-alaga si David sa isang hari, at ginawa siya nitong matagumpay. Samantala, nagpasiya si David na magpakumbaba sa oras ng mapagtanto niya na siya ay isang“ hamak na tao” lamang hanggang sa gawin siya ng Diyos upang maging isang “tao”. Nagpakumbaba ang hari at sinabi,
“Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit.Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti.” (Awit 8:1-2)
ARAL:
Ang Diyos ay walang kinikilingan; ginagamit niya at binabasbasan ang sinumang makakamit ang kanyang pamantayan. Hindi niya gusto ang mayaman kaysa sa mahirap, at hindi siya sumisimpatiya sa mahirap na gumugugol sa yaman. Gagamitin ng Diyos ang sinumang magpapagamit sa kanya, mayaman man o mahirap. Samantala, ang isang tao na ginagamit ng Diyos ay maswerte. Siya ay makatatanggap ng napakaraming biyaya. Ang isang tao na naging instrumento ng Diyos sa anumang espesyal na misyon ay magkakaroon ng maraming kayamanan at karangalan upang maipasa ito sa kaniyang susunod na henerasyon. ( Binabati ko ang mga tao na nagpagamit ang kanilang sarili sa Diyos, dahil tiyak na pagpapalain siya.)
PANALANGIN:
Mahal kong Diyos, mangyaring gamitin ako! Nauunawaan ko na ako ay iyong pagpapalain kung hahayaan ko ang sarili kong iyong gamitin; samakatuwid, determinado akong hayaan ang aking sarili sa iyong paggamit.Mula ngayon, gagawin kong may kagalakan sa aking puso ang anumang iyong iutos sa akin. Mangyaring ipakita ang iyong biyaya at kapangyarihan sa pamamagitan ng aking pagsunod, at hayaan umunlad sa aking gawa. Sa ngalan ni Hesukristo. Amen.
