Si Hesukristo ay Hindi Tao
Itinuro ni Hesukristo sa mga Fariseo ang ilang mapait na katotohanan na pumukaw sa kanilang galit. Sinabi niya,
Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa. Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham? Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga. Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo.(Juan 8:56-59)
ARAL:
Si Hesukristo ay isinilang sa mundo bilang isang tao, ngunit siya ay higit pa sa isang tao. Siya ay Diyos na nag anyong tao. Totoong habang si Hesus ay nasa lupa, siya ay naglalakad tulad ng isang tao at nagsasalita tulad ng isang tao, ngunit hindi siya isang ordinaryong tao, Siya ay nagkatawang tao. Pinatunayan ng banal na kasulatan na si Hesus ay Diyos na nagkatawang tao ng sabihin nito na, “ Sa pasimula ay ang salita (Hesus), at ang salita ay sumasadiyos, at ang salita ay Diyos.” Siya ay nasa simula kasama ang Diyos. Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya, at kung wala siya ay walang nilikhang nagawa. Ang Nasa kanya ay buhay, at ang buhay ay ang ilaw ng mga tao. At ang ilaw ay magniningning sa kadiliman, at hindi ito isinama ng kadiliman.” (Juan 1:1-5)
PANALANGIN:
Si Hesus ay Diyos na nagkatawaang tao, at siya ang Panginoon. Ako ay naniniwala na si Hesus ang tagapagligtas ng mundo. Samakatuwid, Ibinibigay ko sa kanya ang aking buong buhay. Ito ay sinasabi kong muli na ang aking buhay ay iaalay kay Hesukristo! Inuutusan ko si Satanas na umalis sa aking buhay dahil sa ako ay anak ng Diyos. Sapagkat aking mariing sinasabi sa pamamagitan ng ngalan ni Hesukristo. Amen.
