Maaaring gamitin ng Diyos ang Sinuman
Nabanggit sa banal na kasulatan na ilan sa mga matatapang na tao ni David ay gumawa ng kamangha manghang bagay sa kanilang buhay. Ito ay naitala,
“Ito ang mga pangalan ng mga magigiting na kawal ni David: ang una'y si Yosev-basevet na taga-Taquemon. Siya ang pinuno ng pangkat na kung tawagi'y “Ang Tatlo.” Sa isang labanan, nakapatay siya ng 800 kalaban sa pamamagitan lamang ng kanyang sibat. Ang pangalawa'y si Eleazar na anak ni Dodo, mula sa lahi ni Ahohi. Siya ang kasama ni David sa Pas-dammim nang sila'y lusubin ng mga Filisteo. Natalo ang mga Israelita, at nagsiatras,liban kay Eleazar. Hinarap niyang mag-isa ang mga Filisteo hanggang sa manigas ang kanyang kamay sa paghawak sa espada. Ngunit pinagtagumpay siya ni Yahweh nang araw na iyon. Pagkatapos ng labanan, saka pa lamang bumalik ang kanyang mga kasamang kawal para samsaman ang mga kaaway na napatay niya.Ang pangatlo ay si Samma na anak ni Age, isang taga-Arar. Sa Lehi ay may isang bukid na may tanim na gisantes. Dumating ang mga Filisteo at doon nagtipon. Natakot ang mga tagaroon at sila'y tumakas. Ngunit dumating si Samma, at tumayo sa gitna ng bukid upang ipagtanggol ito. Napatay niya ang mga Filisteo sa tulong ni Yahweh.” (2 Samuel 23:8-12)
ARAL:
Palaging gumagawa ang Diyos ng mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng sinumang indibidwal o isang pangkat pangkat ng mga tao na naglalabas ng kanilang sarili para magamit niya. Maaaring magamit ng Diyos ang sinuman. Ikaw at ako ay kanyang gagamitin kung makikipagtulungan tayo sa kanya!Hindi natin lubos maisip ang lawak ng paggamit ng Diyos sa sinuman; kung ang isang tao ay nagsabing “Oo Panginoon” ang Diyos ay magagalak; ipakita ang kanyang lakas, at gamitin ang kapwa hanggang sa ang mundo ay mabusog sa kanyang kaluwalhatian! Samakatuwid ang bawat Kristiyano ay dapat maging pamilyar sa isang pahayag na nagsasabing, “Kung ang Diyos ay maaaring gumamit ng sinuman, maaari niya rin akong gamitin!.
PANALANGIN:
Mahal na Panginoon, “Kung maaari mong gamitin ang sinuman, maaari mo rin akong gamitin,”! Handa ako para sa iyong paggamit. Ibinaba ko ang aking sarili at hinahayaan ko ang aking sarili na ako’y iyong magamit. Hindi ako magiging mapanghimagsik sayo kailanman, at gagawin ko ang kahit na anong ipagawa mo sa akin. Ako’y tatalon kung sasabihin mong ako ay tumalon, at uupo ako kung sasabihin mong ako ay uupo. Ititigil ko na rin ang pagkukwestyon sa iyong kapangyarihan, at ganap kung ibibigay ang aking sarili sa iyo. Mangyaring ako ay iyong gamitin , bukas, at sa mga buong araw ng aking buhay. Sa ngalan ni Hesukristo aking hinihiling. Amen.
