Hindi magpagtatagumpayan ni Satanas ang mga naniniwala
Ang mga ilang miyembro ng pamilya ni Hesus ay nawalan ng kaligtasan at himalang pagkakataong kanyang inalok. Nang dahil sa lubos na kaalaman, nahirapan ang pamilya ni Hesus na tanggapin siya bilang isang tagapagligtas. Sa katunayan, tinangihan ng kaniyang mga lalaking kapatid ang kaniyang ebanghelyo at kinutya nila siya. Ang mga kapatid ni Hesus ay naniniwala na siya ay isang duwag, at sarkastiko nila hiniling na ito ay pumunta sa pampublikong-lugar sa pag-asang ilantad ng mga hudyo ang kaniyang kamangmangan. Sinabi ng mga kapatid ni Hesus,
“Sinabi nga sa kaniya ng kaniyang mga kapatid, Umalis ka rito, at pumaroon ka sa Judea, upang makita naman ng iyong mga alagad ang mga gawang iyong ginagawa.Sapagka't walang taong gumagawa ng anomang bagay sa lihim, at nagsisikap ihayag ang kaniyang sarili. Kung ginagawa mo ang mga bagay na ito ay pakilala ka sa sanglibutan.” (Juan 7:3-4) Gayon man ay nakikilala namin ang taong ito kung taga saan siya: datapuwa't pagparito ng Cristo, sinoma'y walang makakaalam kung taga saan siya.(Juan 7:27) Sumigaw nga si Jesus sa templo, na nagtuturo at sinasabi, Ako'y inyong nakikilala at nalalaman din naman ninyo kung taga saan ako; at hindi ako naparito sa aking sarili, datapuwa't ang nagsugo sa akin ay tunay, na hindi ninyo nakikilala.Siya'y nakikilala ko; sapagka't ako'y mula sa kaniya, at siya ang nagsugo sa akin.(Juan 7:28-29)
ARAL:
Palaging ingit ang diyablo sa mga gawain ni Hesus, at susubukan niya ang lahat upang ipahayag ang kaniyang galit. Tatangkain niyang atakihin din ang mga sumusunod kay Hesus. Susubukan ni Satanas ang anumang pumasok sa kanyang isipan at gamitin ito laban sa mga kristiyano, na may pag-aasang maaari itong matalo. Ang kaaway ay maaaring maglunsad ng pagtutol mula sa mga kaibigan at pamilya; ang mga pagsubok ay maaaring dumating mula sa malayong lugar. Gayunpaman, nilinaw ng banal na kasulatan na hindi mapagtatagumpayan ni Satanas ang mga anak ng Diyos. Maaari niyang subukan, ngunit siya ay mabibigo! Dahil hindi siya maaaring Manalo kay Hesus, hindi din siya mananaig sa mga tagasunod ni Hesus! Ang biyaya ng diyos ay sapat para sa mga mananampalataya para matalo si Satanas at mabuhay ng matagumpay sa mundong ito. Aleluya!
PANALANGIN:
Inuutusan ko si Satanas na mawala at itigil ang panggugulo sa akin! Ang Diyablo ay sinungaling at talunan. Hindi niya mapagtatagumpayan ang aking kaluluwa. Ang aking espiritu, kaluluwa, at katawan ay kasama sa dugo ni Hesukristo. Dahil si Hesus ay namatay at muling nabuhay, ako ay makapangyarihan. Ang anumang pagtatangka ni Satanas na biguin ang aking pagsisikap ay pag-aaksayahan lamang niya ng oras. Hindi ako ordinaryong tao sapagkat ako ay anak ng Diyos. Ang sekreto ng aking lakas at tagumpay ay nakatago sa puso ni Hesus; samakatuwid, ako ay nagwagi ngayon, bukas at magpakailanman! Amen
