Ang kasalanan ay kasuklam suklam sa paningin ng Diyos
Si David ay nagkasala sa Diyos, at ito ay kaniyang pinagdusahan. Ipinangako ng Diyos sa kaniyang propeta na si Nathan na pagbabayaran ni David ang kaniyang pangangalunya kay Bathseba , at sa pagpatay sa kaniyang asawa (2 Samuel 12:7-12). Ang pag atungal ay nambulabog sa bahay ni David. Dalawa sa kaniyang mga anak ay nakiapid, ang isa sa kanila ay nakapatay ng tao. Isa sa mga anak ni David ay nagawang patayin ang kaniyang sariling kapatid, at minahal ang asawang babae ng kaniyang ama sa publiko. Ito ay siya ring nagpatalsik kay David sa kanyang trono at naging isang pugante. Nawala ang lahat kay David at siya ay labis na namighati.Ang ilang nabanggit na nailantad na resulta ng kanyang mga kasalanan ay ang mga sumusunod:
1. “At sumagot siya sa kaniya, Huwag kapatid ko, huwag mo akong dahasin; sapagka't hindi marapat gawin sa Israel ang ganyang bagay: huwag kang gumawa ng ganitong kaululan.At ako, saan ko dadalhin ang aking hiya? at tungkol sa iyo, ikaw ay magiging gaya ng isa sa mga mangmang sa Israel. Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, magsalita ka sa hari, sapagka't hindi ipagkakait ako sa iyo.Gayon ma'y hindi niya dininig ang kaniyang tinig: kundi palibhasa't siya'y malakas kay sa kaniya, dinahas niya siya, at sumiping sa kaniya.” (2 Samule 13:12-14)
2. “ At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi, Tandaan ninyo ngayon, pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak; at pagka ang aking sinabi sa inyo, Saktan ninyo si Amnon, patayin nga ninyo siya: huwag kayong mangatakot: hindi ba ako ang nagutos sa inyo? kayo nga'y magpakalakas, at magpakatapang.At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom. Nang magkagayo'y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari, at sumakay bawa't lalake sa kaniyang mula, at tumakas.” (2 Samuel 13:28-29)
3. “At sinabi ni Achitophel kay Absalom, Sipingan mo ang mga babae ng iyong ama, na kaniyang iniwan na magsipagingat ng bahay; at mababalitaan ng buong Israel na ikaw ay makayayamot sa iyong ama: kung magkagayo'y lalakas ang mga kamay ng lahat na nasa iyo.Sa gayo'y kanilang ipinagladlad si Absalom ng isang tolda sa bubungan ng bahay; at sinipingan ni Absalom ang mga babae ng kaniyang ama sa paningin ng buong Israel.” (Samuel 16:21-22)
4. “At naparoon ang isang sugo kay David, na nagsasabi, Ang mga puso ng mga lalake ng Israel ay sumusunod kay Absalom.At sinabi ni David sa lahat ng kaniyang mga lingkod na nasa kaniya sa Jerusalem, magsibangon kayo, at tayo'y magsitakas; sapagka't liban na rito ay walang makatatanan sa atin kay Absalom: mangagmadali kayo ng pagtakas, baka sa pagmamadali ay abutan tayo, at dalhan tayo ng kasamaan, at sugatan ang bayan ng talim ng tabak.” (2 Samuel 15:13-14).
ARAL:
Kinakainisan ng Diyos ang kasalanan, ito ay masama, at ito ay nagdudulot sa mga anak ng Diyos upang magdusa. Pinipilit ng kasalanan ang Diyos na bawiin ang kaniyang proteksyon mula sa sinuman umanib dito, at nagbigay ng pagkakataon kay Satanas upang mamayagpag. Kaya, ang mga anak ng Diyos ay dapat mag-ingat na huwag anyayahan ang kasalanan dahil ito ay nagdudulot ng negatibong epekto. Subalit, may pag-asa parin sa isang makasalanan kapag siya ay magsisisi sa kanyang mga kasalanan. Ang Diyos na maawain at maingat ay magpapakita ng awa sa sinumang magpakumbaba na aminin ang kanilang mga kasalanan, at magsisi sa kaniya.
PANALANGIN:
O Diyos, iyong gabayan bawat galaw ko ng sa gayon hindi ako magkasala sa iyo, upang hindi makinabang si satanas sa akin. Bigyan mo ako ng kakayahan sa pamamagitan ng iyong banal na espiritu, upang sundin ang lahat ng iyong mga utos , at tulungan akong magsilbi sa iyo ng buong tapat upang guminhawa ang aking buhay. Sa ngalan ni Hesus, aking hinihiling. Amen
