Mga aral sa matinding mga panahon
Pinilit ng krisis si David na kilalanin ang kaniyang totoong mga kaibigan. Nagkamali siya sa kaniyang akala na mahal siya ng lahat, hanggang sa itakwil siya ng kaniyang sariling anak at sumunod ang kanyang mga kasama. Habang si David ay kumawala sa kaniyang anak na si Absalom, isang kilalang tao na tinawag na Shimei ay nagpapakita ng lakas ng loob upang ipakita ang kanyang totoong kulay. Isinumpa niya si David sa kaniyang mukha, at naghagis din ng alikabok at bato sakanya upang ipahayag ang kaniyang hindi pag sang ayon sa kaniyang pamahalaan. Iniulat ng banal na kasulatan,
“At nang dumarating ang hari sa Bahurim, narito, lumalabas na mula roo'y isang lalake sa angkan ng sangbahayan ni Saul, na ang pangala'y Semei, na anak ni Gera: siya'y lumalabas, at manunumpa habang siya'y lumalabas.At kaniyang hinagis ng mga bato si David, at ang lahat ng lingkod ng haring si David: at ang buong bayan, at ang lahat na malalakas na lalake ay nasa kaniyang kanan, at sa kaniyang kaliwa.At ganito ang sinabi ni Semei nang siya'y nanunumpa, Lumayas ka, lumayas ka, ikaw na lalaking mabagsik, at hamak na lalake:Ibinalik sa iyo ng Panginoon ang buong dugo ng sangbahayan ni Saul na siya mong hinalinhan ng pagkahari; at ibinigay ng Panginoon ang kaharian sa kamay ni Absalom na iyong anak: at, narito, ikaw ay nasa iyong sariling kasamaan, sapagka't ikaw ay lalaking mabagsik”(2 Samuel 16:5-8) At may tawiran naman upang tawiran ng sangbahayan ng hari, at gawin ang kaniyang inaakalang mabuti. At si Semei na anak ni Gera ay nagpatirapa sa harap ng hari, nang siya'y makatawid sa Jordan.At sinabi niya sa hari, Huwag paratangan ng kasamaan ako ng aking panginoon, o alalahanin man ang ginawa na may kalikuan ng iyong lingkod sa araw na ang aking panginoon na hari ay lumabas sa Jerusalem, upang isapuso ng hari.Sapagka't nalalaman ng iyong lingkod na ako'y nagkasala: kaya't, narito, ako'y naparirito sa araw na ito, na una sa lahat ng sangbahayan ni Jose upang lumusong na salubungin ang aking panginoon na hari (2 Samuel 19:18-20)
ARAL:
Ang buhay ay tungkol sa pag-aaral, at ang mga anak ng Diyos ay dapat subukang matuto sa bawat sitwasyon na kanilang daranasin. Ang Diyos ay hindi papahirapin ang sinoman, ngunit minsan ay hahayaan niyang dumaan ang kaniyang mga anak sa mahihirap na sitwasyon, upang matutunan nila ang ilang mga kailangang leksyon na dapat iwasan. Tinuturuan tayo ng Diyos na matuto at magdusa, at siya ay gumagamit ng mga hindi komportableng sitwasyon upang patatagin ang ating buhay. Samakatuwid tayong mga kristiyano ay dapat tangkaing matuto sa bawat sitwasyon na darating sa atin. Dapat nating malaman kung paano bigyang kahulugan ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng pagdurusa, at dapat nating malaman kung paano makinig at umani! Nakasalalay sa mga sitwasyon, na maaaring hindi natin kailangan maghanap ng isang agarang solusyon hanggang sa malaman natin ang sapat ng aral nito. Walang alinlangan na pagtatagumpayan ng Diyos ang ating pagdurusa upang malaman natin ang sapat nitong aral. Tiyak na tutulungan tayo ng maylalang upang mapagtagumpayan ang bawat krisis na kinakaharap natin, at gagamitin niya ang bawat sandali ng pagdurusa upang mabuo ang ating pagkatao at kumpiyansa; tayo ay kanyang babaguhin para maging matalim at matatag na akma para sa kaniyang kaluwalhatian.
PANALANGIN:
Mahal kong Diyos, mangyaring turuan mo ako ng bawat leksyon na aking dapat malaman. Tulungan mo akong tumugon sa pagsasanay, at gamitin ang bawat hamon na kinakaharap ko upang mabuo ang aking pagkatao at kumpiyansa upang ako ay maging bagay sa iyong karangalan. Gawin mong kabutihan ang anumang sitwasyon na inilaan ng kaaway para sa kasamaan. Sanayin at iayos ang iyong biyaya sa aking buhay upang ako ay maging masagana, at sa iyo ring kaharian. Sa ngalan ni Hesukristo ay hinihiling ko. Amen.
